MENU
  • 1 of 4 UNITY IS STRENGHT

    UNITY IS STRENGHT

  • 2 of 4 OPERATION PRIVATE EYE

    OPERATION PRIVATE EYE

  • 3 of 4 PDEA IS NOW ISO CERTIFIED

    PDEA IS NOW ISO CERTIFIED

  • 4 of 4 THE OFFICIAL NEWSLETTER OF THE PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

    THE OFFICIAL NEWSLETTER OF THE PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

     

RO8

 

REGIONAL DIRECTOR'S CORNER

Sa ganang akin, ang problema sa droga ay maihahalintulad sa isang aquarium sa kanyang kabuuan. May tubig, isda, pagkain, at nagpapakain, at nagbibigay ng pambili ng pagkain.

Ang aquarium ay simbolo ng sistema, ang tubig ay sumisimbolo sa kumunidad, ang isda ay ang user, ang pagkain ay ang iligal na droga, ang nagpapakain ay ang pusher, at ang nagbibigay ng pambili ng pagkain ay ang financier.

Matapos ang matagumpay na unang isandaang araw ng Administrasyon ng Pangulong Duterte, nasa pangalawang yugto na tayo ng kampanya kontra sa salot ng droga. Ang “Barangay Drug Clearing Operations” na ngayon ang pinagtutuunan ng pansin upang tuluyan ng linisin ang kalat sa komunidad na sanhi ng pagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot. Tulong tulong ang mga ahensiyang naatasang magpatupad ng nasabing kampanya, kasama ang ating mga Barangay Opisyal, at ang masidhing partisipasyon ng ating komunidad.

Ating aalisin o bibigyan ng nararapat na tulong ang mga user sa ating barangay, ang isda sa kabuuan ng aquarium. Mawawalan ng silbi ang mag drogang ibebenta ng mga pusher. Aanhin mo ang pagkain ng isda kung wala na ang isda? Hindi na kailangan ang magbebenta dahil wala ng bibili, hindi na kailangan ang puhunan dahil malulugi ang negosyo, walang bibili.

Ang bawat ahensiya ng gobyerno ay may kanya kanyang papel na dapat gampanan para sa iisang layunin, ang malinis ang hanay ng mga barangay sa kalat na dala ng salot na droga. Ang kumunidad na pangungunahan ng mga halal na opisyal ng barangay ang may pinakamahalagang papel na gagampanan.

Kung sama sama tayong kikilos sa iisang adhikain, walang dahilan para hindi natin matatamo ang tagumpay.